Posts

Showing posts from August, 2018

Mister Na Baldado Gusto Ng Hiwalayan Ng Kanyang Misis Ngunit Meron Huling Kahilingan Ito Bago Sila Maghiwalay

Image
“Sawang-sawa na ako sa buhay natin, Ricky!” rinig na naman sa buong kabahayan ang sigaw ni Matilda. Halos limang taon na kasi siyang nag-aalaga ng asawang baldado. Dahil inatake sa pinagtatrabahuan nito sa Saudi, ay umuwing gulay na ang kalahating katawan ni Ricky. Mula sa maalwang buhay ay biglang bagsak ng kanilang pamilya. May dalawa silang anak, sina Riza 8 years old at Mike 10 years old. Dahil sa nangyari sa asawa ay napilitan si Matilda na magtrabaho naman para sa pamilya. Hindi pa man din siya sanay magtrabaho noon dahil ini- spoiled siya ng asawa sa mga padala nito. Ngayon ay halos kayod-kalabaw ang ginagawa niya. Dahil hindi lamang siya pagod sa trabaho, kundi pagod rin sa pag-aalaga sa dalawang anak at kanyang asawa. “Sorry, Tilda…” palagi namang sinasabi ni Ricky kahit nahihirapan ito sa pagsasalita. Kung minsan pa’y naluluha na lamang ito sa sinapit. “Kung hindi lang dahil sa mga anak natin, matagal na ‘kong nakipaghiwalay sayo,” inis niyang tu

Isang Lalake Ang Iniwan Ng Kanyang Asawa Para Sumama Sa Mayamang Hapon Kaya Mag-isa Niya Tinaguyod Ang Kanyang Mga Anak At ito Ang Iginanti ng Mga Anak sa Kanya

Image
Pitong taon na ang nakalilipas ng iwan ng misis si Allan. Sumama ang babae sa isang mayamang hapon, at iniwan sila ng dalawa niyang anak. Natatandaan niya, 2 taong gulang pa lang noon ang panganay nilang si Janelle na umiiyak pa sa hagdan at nagmamakaawang wag umalis ang mama niya, habang 7 buwang gulang naman ang bunsong si Thomas. Nagmakaawa rin si Allan sa babae, hindi niya maintindihan kung paano sila magagawang ipagpalit nito sa yaman na ipinapangako ng hapon. Para kasi sa kanya, ang kanyang mga anak ang kayamanan. “Ma, wag mo namang gawin ito. Paano na kaming tatlo, ma si Janelle matitiis mo ba iyak ng iyak ang baby o? Si Thomas dumedede pa sayo ma, hindi ko kakayanin mag isa ito. Maawa ka naman sa amin ng mga bata.” Halos lumuhod noon si Allan. “Nagsasawa na ko sa mahirap na buhay na ‘to Allan, pag nadala na ako ni Nakazen sa Japan, kukunin ko ang mga bata.” iyon lang at tuluy tuloy na itong lumabas ng pintuan. Ngayon ay 9 taong gulang na si Janelle at 7 naman si