Estudyanteng Palagi Na Lang Late Pumasok Ang Madalas Pahiyain Ng Guro Ngunit Napahiya Ito Ng Malaman Ang Totoong Dahilan


Loading...
Loading...
Madalas Pahiyain ang Estudyanteng Ito ng Kanyang Guro Dahil sa Madalas na Pagiging Late, Ngunit Mas Napahiya Ito nang Malaman ang Tunay Niyang Dahilan

Matagal nang guro si Mrs. Mendez sa high school lahat na yata ng klase ng estudyante at napagdaanan na niya. Nariyan ang mababait, matatalino, sipsip, bulakbol. Alam na niya yan, maging ang mga taktika ng pangongopya ay hindi lingid sa kanya. Kaya naman takot sa kanya ang mga estudyante, dagdag pang mataray siya.



“Find X in this equation, x-4=10. Anyone? Tataas kayo ng kamay o magbubunot ako ng pangalan?” palagi niyang ibinabagsak ang mahiwagang tanong na iyon, na kinakatakutan naman ng kanyang mga estudyante.


Hindi nakaligtas sa mata ng guro ang isang estudyanteng dahan dahang gumagapang palapit sa upuan, akala siguro nito ay hindi niya mapapansing late ito.

“Ms.Ortega! Late again?” sinipat niya ang relo at ngayon at 7:30 na, ibig sabihin 30 minutes nang late ang dalagita.

“Pasensya na ho kayo Ma’am hindi na po uulit.” napahiya naman ang 2nd year high school student at inayos pa nito ang gusut gusot na blouse, isa ito sa mga tipong hindi napapansin sa klase. Iyon bang marumi, hindi niya nga matatandaan ito kung hindi lang ito laging late, o laging tulog. Mabait naman ito dahil tuwing nakakasalubong niya at naroon ang nahihiyang ngiti pero aanhin naman ni Mrs.Mendez ang mabait kung tutulog tulog ito sa klase?



“Pang ilang pangako mo na yan. Come here infront and solve the problem,” pamamahiya niya naman dito. Pakiramdam niya ay nagtagumpay siyang turuan ito ng leksyon dahil kitang kita niya kung paano mamutla ang dalagita.

Katulad ng inaasahan, hindi nakasagot si Ms. Ortega, at napahiya ito. Maraming beses pang naulit ang insidenteng iyon, madalas kahit hindi ito late ay palagi niya itong tinatawag dahil alam niyang hindi makakasagot ang dalagita. Minsan naming tumama ang sagot nito, ay tahimik lang siya, ni hindi ito nasabihan ng kahit simpleng very good.


Makalipas ang ilang araw ay nagtext ang byenan ni Mrs. Mendez, magbabakasyon raw ito sa kanila ng ilang araw dahil na rin may bibisitahing kaibigan sa Maynila. Taga probinsya ang matandang babae, at darating daw ito sa kanila ng mga 6-6:30 ng umaga. Kahit 3:30 pa lang ng madaling araw ay dali dali nang tumakbo ang guro papunta sa palengke para mamili ng iluluto, ayaw niyang mapahiya sa byenan.

“Ale magkano ho sa sitaw?” tanong niya sa may edad na tindera.

“Kinse pesos ho ang isang tali.” sagot naman ng nakangiting matandang babae

“Sige pabili pong tatlong bundle.” sabi niya naman habang dumudukot ng pera sa pitaka.





“Sandali ho papakuha lang ako sa apo ko ng mas maganda, may bulok kasi itong mga nandito. Ne! kumuha ka ngang tatlong sitaw,” sigaw ng matanda.

Maya maya ay dumating na ang inutusan ng matanda.


“Nay, ito na hong sitaw. Nabalatan ko na rin ang mga kamote pwede ko nang ilako mamaya sa may subdivision-” naputol ang sinasabi ng dalagita nang makita kung sino ang bumibili.

“Ms.Ortega!” nanlalaki naman ang mata ng guro.



“Kilala nyo hong apo ko? Nako mabait na bata ho yan, iyan ay tumutulong pa rito sa akin bago napasok sa eskwela, matyaga ho iyan.. Alam nyo naman, matanda na tayo kaya hindi na makatayo. Madalas ay hindi nauubos ang paninda namin rito kaya inilalako pa niyan para hindi masayang..napakaswerte ko nga hong lola.” proud na proud na sabi ng lola ni Ms. Ortega.

Napahiya naman si Mrs. Mendez, kaya pala nale-late lagi ang estudyante ay nagtatrabaho pa ito. Nang araw na yon ay natutunan ng guro ang napakahalagang leksyon mula sa estudyante, nang araw ring iyon ay hindi na siya naging mapanghusga.

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi sa amin ang inyong sagot sa comments section sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.
So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don’t forget to share this article to your family, relatives and friends online.

Share this story by clicking the button below !

Visit and follow our website: Trending News Viral

© Trending News Viral

Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of Trending News Viral. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.
Loading...

Comments

Popular posts from this blog

Baby Tali Sa Edad Na 10 Months Kaya Ng Ma-identify Ang Letter 'A' Kahit Pagrumblin Ang Mga Cards

Isang Prank Lemonade Na Hinaluan Ng Laxative Nainom Ng Maraming Estudyante