Sinikreto Ng Mga Anak Sa Kanilang Ina Ang Pupuntahan Na Magandang Lugar Nang Malaman Niya Ito Sobrang Tuwa Niya


Loading...
Loading...
Abala ang mga trabahador sa ginagawang malaking bahay, ang target kasi ay matirhan na iyon sa loob din ng taong 2018 kaya paspasan na sila kung mag-trabaho. Maayos namang magbayad ang mga nagpapagawa at sagana din sila sa meryenda kaya ganado araw araw ang mga construction worker.



Inayos ni Aling Mely ang kurtina ng kanilang barung-barong. Mayroon siyang tatlong anak, si Romel, Herald at Gener, madalas siyang biruin ng mga kumare na maraming bodyguard dahil puro lalaki ang kanyang mga naging anak. Ang mister niya ay kumikita sa pagiging isang construction worker, kaya hindi palaging hindi tiyak ang kinikita nito, kung may gawa, swerte. Kung wala naman, tiis tiis sa utang sa tindahan.



“Nay, mano po.” sabi ng bunsong si Gener, kagagaling lang nito sa eskwelahan.

“Anak, mag-meryenda ka muna.” sabi ni Aling Mely at iniabot sa lalaki ang iniluto niyang turon.

Minasdan niya ang anak, binata na ang kanyang bunso, talagang tumatanda na sila ng kanyang mister. Hindi niya malilimutan ang lahat ng hirap na dinanas nila para lang sa mga anak.

Dumating sa puntong sila ng asawa niya ay di na kumakain minsan para magparaya sa mga bata, nakailang bale na rin ang kanyang asawa sa amo nito para lang matustusan ang ilang pangangailangan ng mga anak sa eskwela kaya tuwing araw ng sweldo ay wala ring sinasahod ang lalaki dahil halos pambayad lang sa mga utang nila.

“Sabay ka na ‘ma, sina Kuya?” tanong ni Gener.


“Wala pa eh, pero mamaya siguro darating na rin.” nakangiting sabi niya rito. Napasulyap siya sa sira-sirang bintana sa likod nito, ang bintanang iyon ay saksi sa pagsisimula nila ng kanilang munting pamilya, kita naman iyon dahil halos lupaypay na sa katandaan ang mga kahoy noon.


Ang lumang kurtina na hindi niya mapalit-palitan dahil mas uunahin niya syempre ang pangbili ng pagkain kaysa pagpapaganda sa bahay, ang bubong na walang tigil sa pagtulo lalo na kung umuulan. Ang mga marupok nilang mesa na naging sandalan nila kapag mataas na ang baha dahil dito nila ipinapatong ang naipundar na secondhand TV at maliit na radyo. Nagising lang siya sa pagmumuni-muni nang dumating ang dalawa pang anak.



“Nay, magbihis nga ho kayo saglit, may ipapakita kami sa inyo.” nagmamadaling sabi ni Romel.

“Dalian mo nanay, baka mainip na ang tatay doon.” sabi naman ni Herald.
Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

“H-ha? Ano ba iyon? Nasaan nga ba ang tatay nyo?” sabi ni Aling Mely pero di na sumagot ang dalawa, nagbihis na siya agad para mapuntahan na nila ang mister. Sumakay sila sa jeep at nagulat pa siya nang tumigil sila sa tapat ng isang malaking subdivision.


“Dito ba ang bagong amo ng tatay ninyo? Dito nagpapagawa ng bahay? Kay gaganda naman ng mga bahay dito ‘nak.” parang nangangarap si Aling Mely.

Hindi naman sumagot ang tatlong lalaki, at inakay lang siya papasok sa loob. Halos lahat ng nadadaanan niyang bahay ay pang-mayaman talaga, ngayon lang nakapasok si Aling Mely sa ganito. Tumigil sila sa tapat ng isang ginagawang bahay, wala pang pintura iyon pero kitang-kita naman na di iyon papahuli sa ganda ng iba pang katabi.
Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

“Mayaman siguro ang amo ng tatay nyo ano. Eh teka muna, ayos lang kaya sa kanila na narito tayo sa trabaho niya?” bati muli ni Aling Mely.



“Tatay!” di siya inintindi ni Gener at tinawag na ang ama, hindi maintindihan ni Aling Mely kung bakit kanina pa tila natatawa ang mga anak. Pero ang mas lalong nagpagulo sa isipan niya ay kung bakit malinis tignan ang kanyang asawa at tila hindi naman talaga nagtrabaho. Bago ito makalapit sa kanila ay sinabihan pa nito ang isang manggagawa na ilagay ang mga bakal sa itaas para hindi nakahambalang sa daan.

“Aba Romy, boss ka na ba dito?” tanong niya sa asawa na tatawa tawa rin nang makalapit sa kanya.

“Mely, nasuklian na ang paghihirap natin sa mga bata. Binabantayan ko lang ang paggawa, sa bahay natin.” sabi ng mister.



Bahay nila?! Kanila ito?! Di makapaniwala si Aling Mely! Napagtapos niya na sina Romel at Herald, alam niya ring may magandang trabaho ang mga ito pero di niya akalaing malaki ang sahod dahil maliit lang naman ang ibinibigay sa kanya monthly, wala ring nabibiling luho ang mga anak, iyon pala ay dahil sa nagpapagawa ang mga ito ng bahay!

Nayakap niya ang tatlong binata, ginulo niya ang buhok ni Gener, ang nag iisang anak na nag aaral na ngayon sa kolehiyo sa tulong ng mga kapatid nito.

“Nanay, salamat sa lahat ng sakripisyo mo.” sabi ng mga ito.

Ah, kaya pala ganoon na lang ang pagto-throwback niya kanina sa lumang bahay nila, tila nagpapahiwatig na malapit na nilang lisanin iyon.

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi sa amin ang inyong sagot sa comments section sa ibaba.Para sa mas maraming updates,i-like lamang ang aming Facebook page.
So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don’t forget to share this article to your family, relatives and friends online.

Share this story by clicking the button below !

Visit and follow our website: Trending News Viral

© Trending News Viral

Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of Trending News Viral. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.
Loading...

Comments

Popular posts from this blog

Estudyanteng Palagi Na Lang Late Pumasok Ang Madalas Pahiyain Ng Guro Ngunit Napahiya Ito Ng Malaman Ang Totoong Dahilan

Baby Tali Sa Edad Na 10 Months Kaya Ng Ma-identify Ang Letter 'A' Kahit Pagrumblin Ang Mga Cards

Isang Prank Lemonade Na Hinaluan Ng Laxative Nainom Ng Maraming Estudyante